politics - beating a tired horse/ whores

if 75 million people moved in one direction the world will tilt (even more). set the coordinates, destination: the golden age of the republic.
progress is determined 99% by politicians. the remaining 1% is attributed to chance. if prevailing politicians don’t get their acts together, the ordinary men are forced to be politicians themselves.
i’d rather live in a country in civil war fighting for truth and justice than a country seemingly peacful and prosperous while corruption and lies overreign.
because true peace and prosperity can only come from prevailing truth and justice.
while it is in your interest to protect the people to uphold our welfare, you have lost that right by virtue of cheating.
the enemy of the government are ones who undermined its power.
ooo
kung mabasa ito ng intelligence, meron ba sila nun? robot lang kasi sila. madaling sumunod sa mga utos. read. laugh. ignore. report. walang ka-emotion.
kung pinayagan sana ni jose na nagtagumpay si crisostomo, marahil mas maaga natapos ang kuwento. ngunit patay na si ibarra, patay na rin si rizal. hanggang ngayon buhay pa rin si damaso sa gobyerno. sayang naman ang sakripisyo ng mga bayani. akala kasi nila cool ang mamatay para sa bayan. nagkamali sila ng akala.
ooo
[i am sorry]
mahal ko ang pilipinas
nababalot sa dilim
hawak ng mga dayuhan
kapit sa patalim
ito ang aking bayan
patay na ang mga bayani
kahit mabagal ang hustisya
basta’t kami’y masaya
masagana ang mga kurakot
pero ayos lang sa amin
dahil kami ay kanilang alipin
masarap naman ang pinapakain
magulo lang ang pagbabago
sa bahay na lang ako
pagbutihin na lang ang trabaho
yan ang magandang payo
mabuhay sana ang pilipinas
habang kami’y nasa undas
kalimutan na ang prinsipyo
aanhin pa ng patay na kabayo
wala na bang mga matalino
kesa mga unggoy sa trono
hawak ang mga baril
pamalo ng mga bobo
malakas man sumuntok
sa hangin naman ang bagsak
wala yan sa sipag at tiyaga
mauubusan ka rin ng hangin
i am sorry.
ooo
para sa mga sundalong nawalan ng landas: yan ba ang tinuturo sa academy na yan ang isarado ang mga mata sa hustisya, ang payagan ang mandaraya makaupo sa palasyo at kulungin ang mga taong may prinsipyo? loyalkayo sa pulitiko hindi sa republika. courage ng mga duwag at walang prinsipyo. honor ny sa inyo na lang. magbuhat ng bangko. pambihira handa kayo ibuwis ang buhay nyo pero hindi and sweldo at ang status symbol na tingga. sinong may sabi wala kayong magawa. minsan ang dishonorable discharge ang pinakahonorableng gawin. lalo na ang matanggal sa isang organization ng corruption. ang bobo nyo naman, hawak kayo sa leeg. parang naman sa mga hari nakasalalay ang ating buhay. nabuhay naman tayo ng wala sila. ilang beses na silang napalitan. bakit ngayon hindi na pwede.
nakakahiya kayo. ang mga ordinaryong mamamayan pa ang kailangan humatak sa inyo na gawin ang inyong tungkulin sa republika. hindi sana umaabot ng twenty years ang paghihirap. at sino ang proprotekta sa amin laban sa karahasan kung wala kayo? nagpapatawa ka ba? baka kayo pa nga ang papatay sa amin. kayo at ang inyong sugar mommy. buti pa mag nursing na lang kayo at suma-ibang bansa. may dollars pa.
isipin ba naman proud na proud maging sundalo. tuta pa kamo. harap-harapan ginago ang bandila, gawa ng inyong mga amo. mabuhay ang pilipinas (sa corruption at katiwalian)
ooo
truth can be so insulting to one’s intelligence.