wala

wala pa rin. minsan, mahirap na ang magsalita. baka kung ano pa ang masabi, baka ano pa ang mangyari. pero sige, subukan ko kahit konti lang. kahit na alam ko na walang makaka-intindi. kung meron man, wala rin silang magagawa. mahirap isipin pero tao din ako. na iinlab din. oo. tama na ang kanchaw. nainlab ako kay… hay, kay sakit na isipin. kasi ang totoo ayaw ko na ma inlab sa isang tao na alam ko masasaktan ko lang. dahil alam ko wala rin ito patutunguhan. so ngayon, hinihintay ko na lang mamatay ako sa sakit, at tuluyang malimutan ang kanyang mukha. nakakainis. nangyari ulit ang nangyari sa akin noon. akala ko di na mauulit. ngayon alam ko na. nakakadepress. tawa ka lang. tama nga ang sabi nila, ASA.