siya pa rin

eto ako ngayon. hindi maalis sa isipan kaagad. pero hindi na kasing sakit ng mga unang araw. pakonti konti mawawala rin. masaya din pag nakikita. parang hanggang doon na lang yun. masarap isipin minsan paano kung naging kami. paano kaya kung sya ang lagi kong kasama. ang babaw ko. hanggang doon na lang yun. dahil. basta yun. nasasanay na ako sa ganito, kaya parang manhid na ako. napapabayaan ko na ang sarili ko. masyado bang sakripisyo.
dahil kasi hindi ko alam kung ano ang meron para sa akin bukas. dahil hinihintay ko ung para sa akin bukas. hindi ko rin kasi kayang pilitin na masaya ako ngayon. kung pwede lang nga sana isipin ko na walang sakit. kung pwede lang sana hindi ko siya maisip. kung pwede lang sana hindi nangyari ito. kasi hindi ko pa alam ang mga dahilan. parang nakakasawa na rin kasi alamin ang dahilan.
naghihintay ako, hindi ko lang alam kung ano. hindi ako nagrereklamo. hindi rin ako excited kung ano yun. nagpapalipas na lang ng oras. wala lang.