ang sabi ko, nahulog ang loob ko para sayo. masakit, para akong nadapa. pero okay lang. hindi okay pala. pangalawa ka na nakasira ng aking sleep-cycle. at least, masmabilis ang recovery time ko ngayon.
torpe daw ako. ang dami kong rason. sa mga hindi pa nakakaalam tanongin nyo na lang ako kung ano ang mga yun. bigyan kita ng isang magandang rason. may boyfriend ka na eh. masmaganda pa yung iba kong rason pero hindi mo naman maiintindihan yun.
gusto ko lang ma-express ang sarili ko; sa sarili ko. samantala, ako ay naka kadena at hindi pwedeng i-express lahat. bawal. haay. gaya ng pagbanggit ng iyong pangalan na walang pahintulot mo. as if. joke lang, bat ko naman sasabihin sino ka, alam mo naman kung sino ka. ay, hindi mo naman pala mababasa to. mabuti.
nakakatuwa na ako, ngayon pa lang. lalo na pag nabasa ko ito next time! ayos. may mababasa na ako.
"you are beautiful. you simply got me captivated. but my hands are tied, my lips are sealed and my eyes closed. yet you can see through me. or so i felt. all i could do is wait for this moment to end."
wake me up.