ang sarap ng kfc! finger lickin’ good! i think they have perfected the fried chicken. this is the chicken to beat.
sinasabi ko lang yan dahil yun ang hinahanap hanap ko for this season. sarap e.
sa sobrang sarap, kahit pangit service nila, willing to wait ako.
sarap ng breast part, hot and crispy.
pag kumakain ako ng chicken, i can’t help but compare it with kfc.
pag kumakain ako sa ibang restaurant, i can’t help but compare kung ginasto ko na lang ung pera ko sa kfc. 75 pesos lang, may 1 piece chicken meal na ako. takam na takam na ako….
oo, medyo mabagal service nila. kainis nga e. minsan, yung ibang branch may di kanais-nais na amoy. not to mention, ang haba ng pila. meron pa nga balita noon na kung ano-ano, poorly cooked chicken, may ipis sa food, daga (na naluto kasama sa mga chicken…), pati pa nga daliri.
yuck.
yuck talaga.
pero sa akin lang, it’s worth to take the risk. sarap ng chicken e. ganun kasarap.
ng minsan, e nagpadeliver kami. nagspecify ako, breast part. aba, dumating, hindi breast part… inaway ko sila. pinapalitan ko. after 2 hours pa ako nakakain. at least, diba, nakakain ako ng hot and crispy chicken. sarap. sana wag na maulit ang ganung service.
nasubukan ko na rin ang ilang araw na sunod sunod na kfc ang kinain ko. burp. nagsawa rin ako after 3 or 4 days ata yun. pero, after a few days, hinahanap ko nanaman.
adik sa kfc. crisping-crispy kasi.
naalala ko pa ng unang bukas ng kfc sa baguio, sa center mall pa nun. punong puno lagi. ang init, hindi kinaya ng aircon. madaming uminit ang ulo. pero sige pa rin. tapos nag order kami ng kaibigan ko ng zinger. grabe. the best zinger in my memory. nasobrahan nila kasi ng anghang. ganun dapat ang zinger. napaiyak kami. syempre, kakasimula pa lang ng mga crew noon, kaya nasobrahan ang timpla. na-enjoy ko ung ‘mistake’ nila. hinahanap ko ung ganong anghang. yung tipong pagkagat ko ng zinger, pula ung chicken, hindi dahil sa dugo, kundi dahil sa spice. pinawisan talaga ako.
75 pesos. sulit. busog. yung 2 piece chicken naman, 119 pesos ata. pero hindi ko na inoorder. mas gusto ko i-order, dalawang 1 piece chicken. bakit? para parehong breast part. tapos dalawang drinks and rice na yun. mas sulit. kesa naman 119 nga, hindi naman pwede dalawang breast, isa lang drink, tapos isa lang rice. bitin na bitin. sa 75 x 2 = 150, ayos. solved.
naperfect na nila ang manok.
kung tatanongin nyo ako, kain tayo sa labas, alam nyo na. madali lang naman ako kausap e. sa birthday ko… tuwing duty ko… minsan, sa lunch… dinner… no need to ask. sasabihin ko naman kung sawa na ako e.
ewan ko nga ba, na-associate ko naman yung kfc sa crush ko. speaking of which, nakakamiss na sya. huhuhu. tama nga predictions ko.
chicken.