i’m back. it’s 7:30pm. just finished my rounds. on one new referral. one. just one. and i am already tired. i still have another new one, but… i’m tired. just tired. tomorrow na lang. medyo kanina ko pa gusto mag type. kaninang 5:30pm. kaso, it’s complicated.
kwento ko na lang as simple as possible. layman’s terms. dito sa office, limited ang websites na pwede bisitahin. dito sa office. naka block ang friendster. pero eto ako, nasa friendster! pano nangyari yun? pumunta ako sa isang website, na kung tawagin ay “proxy” site. sabihin ko pa ba? wag na lang, tanongin nyo na lang ako personally anong site yun. eto na lang suggestion ko, search nyo sa google or yahoo search ang terms na “proxy” and “website”. marami kasi pwedeng gamitin dun. in short, nabibisita ko ang friendster kahit naka block sya sa network namin. bakit kasi. hindi naman masama.
kung napansin nyo, kung lang naman, hindi ako masyado nag e-entry sa blog ko. kasi naman. masyadong public. it is too defining. pinipintura ko na pala ang aking sarili. kakanchawan nanaman ako. kaya tuloy, hindi ako masyado makapagbanggit ng mga pangalan. haha…
kaya ang solusyon ko, meron ako bagong blog space. somewhere in outer space. hindi sa myspace or facebook. at syempre, may alias. untraceable almost. pero, purpose kasi nun ay. ang purpose kasi nun ay. nakalimutan ko na rin. kaya yun, wala ako malagay dun. defeats the whole purpose. di bale, pag may naisip na akong ilagay dun. sobrang galing na ang makakahanap ng page ko na yun at ma-identify na akin yun.
in 2002 (tama ba?), i joined friendster. why? meron kasi akong gustong hanapin na tao. nahanap ko lang sya ng 2005. actually nasa friends list ko na sya. pati ung dalawa. buti na lang parang hindi na sila masyadong active. wala lang. nahanap ko na. pag may hinahanap ako na tao, hinahanap ko sa friendster. so far, meron lang ako isang tao na hindi mahanap, gamit ang friendster, google, yahoo, pipl, facebook, myspace… dalawa pala. either marunong sila na itago ang identity nila sa internet, which is good actually, or hindi talaga sila nag iinternet. which is bad actually.
i tried googling for my name in the internet. ayun. nakakainis. i’m a public figure already. may picture pa. may video pa. although wala ung mukha ko sa video. (jay, pakiusap, alisin mo sa youtube, kahit yung pangalan ko lang). si jay, matalik kong kaibigan, nag unsubscribe sa friendster. distraction daw kasi. whatever. ngayon, pag nag search ka ng jay lim sa net, nako. marami syang kapangalan. buti pa sya. no identity sa net. e ako, search mo lang nasa top ten list na. paano pa ako tatago sa fbi at cia nyan. it’s my private life we’re talking here! ang arte.
kelangan talaga identity conscious ka sa internet. kung hindi, mahahanap kita, malalaman ko details ng buhay mo. e ano paki ko sa details ng buhay mo. sinilip ko lang naman mga pictures mo. nakita ko na buong pamilya mo, mga kaibigan mo, kung san ka na nakapunta. mukha na tuloy ako stalker! background check lang.
… si ano pala, sikat na na singer! hilig pala nya ang…
… aba, nagbakasyon sa europe! sniff… nakakamiss…
… hmm… nag asawa na pala… sad. but happy din…
… uuy, ang dali naman nito contakin… may number!
yung iba, akala nila safe na sila sa “private” mode ng profile nila. akala ko rin. naisip ko ng isang araw, meron siguro naka isip din ng way around that system. tama nga, meron. kasi hindi ko makita yung private profile ng crush ko. hehe. in short, nakita ko rin yung pictures ng crush ko.
may bonus pa. pwede ko na rin sya macontact. hanggang pwede na lang. pero hindi ko rin gagawin. hawak ko e-mail address nya. hindi lang yun. may isang celphone number rin ako nakita. yun nga lang, hindi ko alam kung sa kanya yun. paano kasi, accidentally ko napansin na ung filename ng isang picture nya ay celphone number. accidentally talaga. coincidence nga naman. it’s a sign! naks. hindi rin. i need more proof than that. want pala. hmm… ayaw ko rin i-text. it destroys the natural process. haha! leave it to chance. pinipigilan ko lang sarili ko. (torpe). e kung gustuhin ko ba e.
sana mag update pa sya ng pictures. sayang, pictures lang pwede ko silipin, yun lang yung powers ng website na ginagamit ko. siguro kung talagang sipagin ako makakahanap din ako ng ibang hack.
so ano ang gamit ng friendster? background check. pang remind ng mukha ng crush mo. kung minsan, pang check din ng mga sumisilip sa account mo. who’s viewed me? yung iba, gawain nila, pang collect ng mga magagandang “friends”, na lalaki pala may ari ng account…
uwi na ako, 8:30pm na. next episode ko na lang ikwento pano baguhin yung picture na mag mukhang artista. kagaya ni geo, kamukha nya si tom cruise. yung isang picture ko, hawig si brad pitt.
nabasa ko pala yung recent blog ko… last may… haay. brings back the feelings… tama na nga.