orange

as usual, the same old nonsense. hey, nordi, mas masaya naman eto kesa sa serious mood ko. buti naman at naalala mo pa kami dito.
so orange. yes, another color. nang college kami maraming kwento tungkol sa orange. kagaya ng babaeng orange ang pantalon. sumikat sya sa orange nyang pantalon. kasi parang favorite nya ata na pantalon yun. kaya ang tawag sa kanya ay….. orange girl. ah, naalala ko na ung tunay nyang pangalan. sa totoo lang, ung apilyedo lang. wag ko nalang babanggitin. kawawa naman sya. hindi naman sa nilalait ko sya sa pantalon nya, pero parang napaka-clueless kasi ata nya. malayo pa lang alam mo na sya na yun. makita mo lang sa bintana ng rizal building, kahit sa silang pa sya alam mo sya yun. at least mabait naman sya. ata. kasi hindi ko rin sya nakakausap (lalo na tungkol sa pantalon nya). medyo pangit pakinggan, pero ka-bio rin namin sya. haay, buhay kolehiyo. makulay.
napa isip tuloy ako. nang first year med ako, medyo weirdo pa ako nun. ata. naka tayo pa buhok ko nun. ginagaya ko kasi si vegeta. wala pa akong pakialam sa iba. biruin mo, naging doctor yun…. tapos isang araw, sabado yun, pwedeng mag civilian, akalain mo ba naman nagsuot ng orange over-alls. parang preso. ang tingkad sa mata. bright to the eyes. pasok sa auditorium, deretso sa likod. weirdo. naalala ko pa kung bakit ko sinuot yun. i dared myself. ayun. next time dont dare me, ok. (ok). kaya nyo yun? hindi pa uso ang ganung hairstyle noon. 2 years later pa. which reminds me, para nga pala si naruto no… hmmm… ako pala yung original. wala pang naruto nun. siguro pareho kaming wavelength ng mga hapon. yan ang nagagawa ng tao na walang magawa.
tapos yung orange na pagkain, which is obviously called ‘orange’. wala akong kwento dun. iba na lang.
orange and lemons meron pa. nung nasa davao ako bumili ako ng cd ng orange and lemons. bagong sikat pa lang nila. syempre, yung pirated version pa yun. tapos paulit ulit na pinatugtog sa cd player ni sherwin. sherwin, nasan ka na? musta na pards? …umuwi ka na baby…. pero ung si sherwin, mas trip nya si juris and chin. mymp umaga, tanghali, gabi. lagi kasi syang sawi sa pag-ibig. nahawa ata ako sa kanya. dinibdib namin ung mga songs. from love moves to tell me where it hurts. senting senti. hanggang ngayon nag-e-echo pa ung boses. nagutom tuloy ako, na-aasociate ko kasi sa space burger. moonyeen, di mo na ako ni-rereplyan a. patty, wala pa tayong nakakain na lobster…. naalala ko tuloy mga co-interns ko. reminiscing….
ang saya din ng mga araw na iyon.
isa pang mamimiss ko na orange: ung bus na saint rose na papuntang alabang… medyo late na kasi, tapos kelangan ko na umuwi. hindi na pala dumadaan sa harap ng ospital ang saint rose. bawal na ang provincial buses sa taft. haay.
sigh. bat ko nga ba naisip yung orange? hmm…. nakalimutan ko na.