wake me up when september ends

"… here comes the rain again, falling from the stars.
drenched in my pain again, becoming who we are.
as my memory rests, but never forgets what I lost…
wake me up when september ends."
-greenday
september. on towards my last two months here in davao. the weather is clear. and i am getting tired. by november, i must be in full focus reviewing for february board exams. i want to prove something to myself. for once. test my limits. LEO!!!! arise sleepy head.
on the lighter side, ano ba ang masasabi ko sa 10 months ko na nandito sa davao?
1. first things in mind right now, masarap ang space burger.
2. masarap din sana magfranchise sa baguio, para may makain ako na moon combo doon.
3. okay rin ang bulalohan nila sa tabi ng tsuru. great find, 45 pesos lang busog na busog ka na. closed sila pag sundays.
4. nakapunta na ako ng samal island, doon sa chemas’ maganda, ng jack’s ridge, ng eden na parang john hay, ano pa meron dito? SM na mukang cargo box, gaisano mall, gaisano south na malapit lang, tinatawag din na JS (hindi ba dapat GS?) dahil daw si johnny ang dating may ari. ung S sa JS ewan, johnny south? NCCC din.
5. pinakamaganda ang sinehan sa NCCC. malamig ang sinehan, kelangan mag jacket. natataas ang armrest. parang nasa bus ang mga upuan. Wala lang magandang palabas ngayong buwan. sayang.
6. iba iba ang lasa ng durian. depende sa variety, pero para sa akin ibang iba talaga kahit na same variety. minsan lasang bakal. okay lang, kinakain ko naman kahit na ano. sa magsaysay park ang kainan ng durian.
7. okay tumira sa quarters namin. lahat ng kailangan mo nangdoon. malapit sa lahat ng pupuntahan.
8. mahilig ang mga taga davao ng barbecue-han, lalo na eat-all-u-can. mura ang eat-all-u-can dito. wala ako mahanap na lobster.
9. naantok na ako.
10. hindi ako nagsisi napunta ako dito, sulit naman e.
11. may babalikan pa ba ako dito? malamang.
12. nakalimutan ko rin banggitin, masarap sa penong’s, 24-hours na dimsum diner, ung sabaw, pati na rin ung mga libreng product-presentation ng mga pharmaceutical companies… kung saan man i-hold, masarap talaga pag libre. kakasawa rin pala pag araw-arawin. masarap pa rin. minsan, ngoyong ang trip ng quarters. marami pang ibang makain.
13. nakalimutan ko na ung sasabihin ko.
14. mga rotation sa ddh? okay, except lang… next time ko na lang ikwento.
15. hi nga pala sa dalawang crush ko na med-rep. pfeizer made it. wala lang, naisip ko lang sila ngayon.
16. si juris at si chin palaging nasa quarters, telling us where it hurts. theme song ni sherwin, ung chief intern namin.
17. gusto ko na rin umuwi, humiga sa kama ko. sa baguio. tapos mag franchise ng space burger.
18. oo nga pala, may mga special friends ako nakita dito sa friendster ko. special kasi hindi ko sila nakilala talaga, pero friends ko sila. maganda, hihihi!
19. in short, nagustuhan ko ang davao. dahil sa food. at simpleng buhay. at…. balikan ko na lang.
20. kelangan kasi 20 lahat. mas ok.