naisip ko lang

maraming klase ng tao sa mundo. interesado ako sa apat na klase ng marurunong:
1. ung tao na alam kung ano ang dapat gawin.
2. ung tao na alam pano gawin ang isang bagay.
3. ung tao na alam kung sino ang pwedeng gumawa ng dapat gawin.
4. at ung tao na alam ipag-ugnay ang unang tatlong tao.
maraming tao alam ano ang dapat gawin, hindi lang marunong paano gawin.
may mga tao marunong paano gumawa, wala lang kakayahan gumawa.
ang ibang tao maraming kilala na magaling, sabihin mo lang sino ang kailangan.
kung may kilala lang sana ako na katulad ng tatlo. mayaman na sana tayo.

ooo
maraming klase ng intelligence. hindi lang magaling sa papel. it’s about mental ability. as long as marunong ka pano gamitin ang utak, matalino kang bata ka.
marami jan magaling sa eskwela palpak naman sa buhay. nagka-utak ka pa.
1. meron magaling sa calculations and problem solving, ala math wizard
2. meron magaling sa memorization, ala photographic memory
3. meron naman magaling sa communication, mataas ang e.q. kung baga
4. meron din ung magaling maka-isip ng imbentsyon, tipong dexter
5. may mga musically inclined, may sariling tugtog
6. ung iba mabilis maka-adapt, tipong mcgyver, ang bilis matuto, skillful
7. isa naman mataas ang leadership, magaling magplano, strategist. parang chess
8. pero ung paborito ko sa lahat ay ung tao na ubod ng swerte. hindi naman sya ganun ka talino, lucky lang. ang galing nga nya e, wala naman sya nagawa pero napasama sya sa listahan na ito.
there is no such thing as luck. tinadhana talaga yun. pre-determined na ma-swerte. buti pa sya. buti na lang.

ooo

namimiss ko na ang tumawa. masaya pa naman ako, hirap lang matawa. naiwan ko yata somewhere in the past ung sense of humor ko. pakibalik na lang pls.